Covid 19 vaccination mass simulation exercise, isinagawa sa Maynila

By Chona Yu January 28, 2021 - 11:29 AM

(Photo courtesy: Manila PIO)

Sa ikalawangg pagkakataon, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng Covid 19 vaccination mass simulation exercise para sa 1,000 community based target individuals.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay bilang bahagi ng paghahanda para sa pagbabakuna sa mga taga-Maynila kontra Covid 19.

“Hindi ako magsasawang mag-simulate nang mag-simulate. We must continue to pursue these exercises para magkaroon tayo ng muscle memory at mapadali ang pagpapabakuna once vaccines become available in the city,” pahayag ni Mayor Isko.

Isinagawa ang ikalawang simulation sa Isabelo delos Reyes Elementary School.

Matatandaang unang isinagawa ang simulation noong Enero 19 sa Universidad de Manila (UdM) Palma Hall.

Ilan sa mga hakbang na gagawin sa simulation ang:

  1. Checking of Vital Signs
  2. Screening and Verification
  3. Vaccination Proper
  4. Holding Area for Observation

Sa ngayon, nai-deliver na sa Maynila ang limang Haier HYC-390 refrigeration units na gagamiting storage sa mga bakuna ng AstraZeneca at Sinovac.

 

TAGS: COVID, Mayor Isko Moreno, vaccine, COVID, Mayor Isko Moreno, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.