Pangalan ng apat na bagyo na nagdulot ng matinding pinsala sa bansa, hindi na gagamitin

By Angellic Jordan January 27, 2021 - 07:24 PM

Itinuturing nang “retired” ang pangalan ng apat na bagyong nagdulot ng matinding pinsala sa bansa sa taong 2020.

Ibig-sabihin nito, hindi na muling gagamitin ng PAGASA ang pangalan.

Kabilang dito ang Ambo, Quinta, Rolly, at Ulysses.

Narito ang naitalang pinsala sa apat na bagyo:
Ambo – P1.574 bilyon
Quinta – 27 deaths, P4.223 bilyon
Rolly – 25 deaths, P17.875 bilyon
Ulysses – 101 deaths, P20.261 bilyon

Papalitan na ang apat na nabanggit na pangalan ng Aghon, Querubin, Romina, at Upang para sa 2024 list.

Ituturing na “retired” ang isang tropical cyclone name kapag pumalo sa 300 o higit pa ang bilang ng nasawi o umabot sa P1 bilyon ang halaga ng pinsala.

TAGS: ambo, Inquirer News, Pagasa, Quinta, Radyo Inquirer news, Rolly, tropical cyclone names 2024, tropical cyclone names decommissioned, ulysses, ambo, Inquirer News, Pagasa, Quinta, Radyo Inquirer news, Rolly, tropical cyclone names 2024, tropical cyclone names decommissioned, ulysses

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.