35 pang taga-Maynila, nagpositibo sa COVID-19
Karagdagang 35 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (January 26), sumampa na sa 26,227 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 379 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 71 active cases.
Sumunod dito ang Tondo 1 na may 50 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Nasa 36 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.
Dahil dito, umabot na sa 25,067 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 781 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.