1-M health workers sa bansa, mababakunahan vs COVID-19 sa Pebrero
Tiniyak ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mababakunahan na kontra COVID-19 sa buwan ng Pebrero ang isang milyong health worker sa bansa.
Sa dry run ng vaccination program sa Taguig City, sinabi ni Galvez na kung hindi maaantala ang pagdating ng bakuna sa bansa, matuturukan na ng bakuna ang health workers sa susunod na buwan.
Sa buwan ng Pebrero, inaasahang darating na sa bansa ang mga bakuna.
“So ‘yung one million plus doses this coming February, this is intended only for healthcare workers and also sa ating mga frontliners, especially ‘yung magiging vaccinators,” pahayag ni Galvez.
Tiniyak naman ni Galvez na magiging pantay ang pamamahagi ng bakuna sa buong bansa.
Pero kung mauunang dumating ang mga bakunang gawa ng Pfizer, mauuna ang Metro Manila, greater Metro Manila, Cebu, Davao dahil ang mga nabanggit na lugar ang mayroong sub-zero temperature facility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.