Mga hindi taga-Maynila posibleng mabigyan din ng libreng COVID-19 vaccine – Mayor Isko
Hindi lang taga-Maynila ang maaaring mabakunahan sa lungsod.
Ito ang pahayag ni Mayor Isko Moreno habang inilalatag ang plano ng Manila LGU hinggil sa COVID-19 vaccines.
Giit ng alkalde, maraming mga manggagawa at mamimili sa Maynila ang galing sa mga kalapit na lungsod at probinsya na nangangailangan din ng proteksyon laban sa nakamamatay na sakit.
Pero paglilinaw ni Mayor Isko, prayoridad pa rin ang mga residente ng Maynila.
Dagdag pa ng alkalde, mahalaga ang pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at ng pamahalaang nasyunal upang tuluyang masugpo ang COVID-19 sa bansa.
Kaugnay nito, handa ring bumili ng karagdagang bakuna ang Maynila bukod sa 800,000 doses mula sa AstraZeneca na nakatakdang makuha ng lokal na pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.