Tax discount ng medical frontliners, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

By Erwin Aguilon January 26, 2021 - 11:25 PM

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala upang bigyan ng diskuwento ang income tax na babayaran ng nasa 270,000 medical frontliners sa bansa

Sa viva voce voting, nakalusot ang House Bill 8259 o “Handog sa mga Bayaning Lumaban Kontra COVID-19 Act.”

Sa ilalim ng panukala, ang mga medical frontliner ay exempted sa pagbabayad ng 25 percent ng income tax due para sa taxable year 2020.

Ayon kay House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda, itong unang revenue-negative measure ay paraan ng pamahalaan upang kilalanin ang serbisyo ng mga medical frontliners sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinasabing P2.3 bilyon ang mababawas sa kita ng pamahalaan sa taxable year 2020 sakaling maging ganap na batas ito, pero sulit naman dahil mahihikayat ang medical professionals na maging frontliners sakto sa pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Salceda, kulang para sa kanilang pagiging bayani ang COVID-19 special risk allowance at compensation kapag tinamaan o mamatay ang isang medical frontliner dahil sa sakit na ito sa gitna ng pandemya sa ilalim ng RA 11494 (Bayanihan 2).

Sakop sa income tax discount ang mga nagbibigay ng health-related services at mga nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong ospital, clinics o medical institutions na gumagamot sa mga tinamaan ng COVID-19.

Kabilang dito hindi lamang ang mga doktor at nurses kundi pati ang administrative employees, support personnel at staff ng medical institutions.

Nililinaw sa panukala na sakop ng tax exemption para sa taxable year 2020 ang mga medical frontliner na sumusweldo o nakatatanggap ng kompensasyon dahil sa kanilang propesyon o trabaho bilang medical frontliners.

Hindi naman kasama sa tax exemption ang medical frontliners na ang sweldo o kita ay mula sa negosyo, investments, at iba pang uto ng passive income na walang kaugnayan sa pagsisilbi nila sa COVID-19 patients.

Nakasaad sa panukalang batas na ang kalihim ng Department of Finance ay binibigyang-kapangyarihan, para sa panahon na hindi lalabis sa anim na buwan, na ipatupad ang exemption mula sa pagbabayad ng income tax para sa kwalipikadong medical frontliners.

TAGS: 18th congress, Handog sa mga Bayaning Lumaban Kontra COVID-19 Act, House Bill 8259, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda, Sa viva voce voting, 18th congress, Handog sa mga Bayaning Lumaban Kontra COVID-19 Act, House Bill 8259, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda, Sa viva voce voting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.