P2.3-M halaga ng dangerous drugs, nadiskubre sa mga hindi pa naipapadalang parcel sa Mandaue City

By Angellic Jordan January 26, 2021 - 05:31 PM

PDEA photo

May nadiskubreng mapanganib na droga ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 7 Mandaue Team, katuwang ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Postal Corporation 7, sa Mandaue Central Post Office noong January 25, 2021.

Ayon sa PDEA, nagkakahalaga ng P2.3 milyon ang mga nasabat na mapanganib na droga.

Isiniliad ang mga droga, na karamihan ay anti-depressants at pain relievers, sa humigit-kumulang 20 return-to-sender (RTS) parcels.

Ayon sa PhilPost, ang RTS parcels ay idi-dispose na sana dahil hindi mahanap ang senders.

Unang idineklara ang mga parcel na naglalaman ng souvenir items, tools, at mga laruan.

Agad namang nakipag-ugnayan ang PhilPost Mandaue sa PDEA 7 matapos madiskubre ang dangerous drugs.

PDEA photo

TAGS: confiscated dangerous drugs, Inquirer News, PDEA 7, PDEA Mandaue, Radyo Inquirer news, confiscated dangerous drugs, Inquirer News, PDEA 7, PDEA Mandaue, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.