92 porsyento ng P15-B pondo na ninakaw umano ng ilang opisyal ng PhilHealth, na-liquidate na

By Angellic Jordan January 26, 2021 - 03:49 PM

Kaunti na lamang ang kailangang i-liquidate sa P15 bilyong pondo na ninakaw umano ng ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa press briefing, sinabi ni PhilHealth chief Dante Gierran na nasa 92 porsyento na ang na-liquidate.

“On record, ang utos po ng Senador at saka ng lower House, sabi i-liquidate. Sa ngayon po, 92 percent na ang liquidated,” pahayag ni Gierran.

Giit nito, hindi niya hahayaang mawala ang naturang halaga ng pondo.

“I will not allow.. na ‘yung pera nawala, galing ako sa NBI. Hindi pwedeng mangyari sa akin ‘yan,” saad ni Gierran.

Noong August 2020, isiniwalat ng dating opisyal ng PhilHealth na P15 bilyong pondo ng ahensya ang kinamkam ng ilang opisyal sa pamamagitan ng iba’t ibang fraudulent schemes.

TAGS: dante gierran, Inquirer News, P15-billion PhilHealth missing fund, philhealth, PhilHealth corruption issues, Radyo Inquirer news, dante gierran, Inquirer News, P15-billion PhilHealth missing fund, philhealth, PhilHealth corruption issues, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.