Price freeze sa galunggong inihirit sa DA ni Sen. Grace Poe
Ipinasasama ni Senator Grace Poe sa Department of Agriculture ang galunggong sa pinagbabalakan na mapatawan ng ‘price freeze.’
Hiniling din niya sa kagawaran na ipaliwanag ang dahilan ng binabalak na price freeze.
Ayon kay Poe maging sa mga talipapa ay sobrang taas ng halaga ng galunggong kaya’t hindi na makabili ang mga ordinaryong konsyumer.
Unang inirekomenda ng DA sa Malakanyang na magpatupad ng P270 price ceiling sa mga karne ng baboy, maliban sa P300 sa liempo.
Itatakda naman hanggang P160 ang kada kilo ng manok.
“Kung gusto talaga natin tumulong dapat ay bigyan pansin din ang galunggong dahil kahit sa price monitoring ng DA ang halaga nito ay umabot sa P240 bawat kilo noong Disyembre,” ayon sa senadora.
Pinansin nito na maging ang price ceilings na nais ng DA ay mas mataas pa sa suggested retail prices.
“The government should act now. Butas na ang bulsa ng mga tao at wala pa ring trabaho ang marami,” himutok ni Poe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.