Midterm review sa Bangsamoro Transition Authority, isinusulong sa Kamara
Itutulak ni Deputy Speaker Mujiv Hataman sa Kamara ang isang resolusyon upang magkaroon ng midterm review sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) transition period at mga infrastructure projects sa ilalim ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ayon kay Hataman, mahalagang magkaroon muna ng malalim na pagsusuri sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) bago ikunsidera ang posibleng pagpapalawig sa dito.
Bukod sa extension ng lifeline ng BTA ay ipapasiyasat din sa Kamara ang ilang obserbasyon ni BARMM Public Works Minister Eduard Uy Guerra kung saan mayroon umanong iregularidad sa ARMM projects.
Nauna na nang humiling ang BARMM ng special audit kaugnay sa kwestyunableng 3,000 ARMM projects na aabot sa P107 billion.
Paglilinaw naman ni Hataman, hindi siya tutol sa extension ng BTA ngunit mahalagang magsagawa muna ng midterm review para rito upang malaman kung talagang may problema nga ba sa ARMM at para solusyunan ang mga hamong kinaharap ng BARMM transition leadership sa mga ipinapatupad na proyekto.
Mayroong limang panukala na nakahain sa Kamara para sa extension ng BTA na magtatapos sa taong 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.