“I am sorry ng AFP,” hindi sapat sa paglalabas sa maling mga pangalan na miyembro ng NPA at mga napatay na rebelde

By Erwin Aguilon January 25, 2021 - 01:22 PM

Iginiit ni Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na kulang ang paghhingi ng “sorry” ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paglalabas ng mga maling impormasyon.

Ayon kay Zarate, “public apology is good” pero mas mainam kung ititigil na ng administrasyong Duterte ang “red-tagging” nito.

Kailangan aniyang makasuhan ang mga responsable sa mga nagpapakalat ng mga palyadong impormasyon at “fake news” na nagdudulot na panganib sa buhay ng mga tao o mga organisasyon na maling naaakusahan o napapangalanan.

Iginiit nito na ang maling impormasyon ng AFP ay nagpapakita lamang kung ano ang mga maaaring mangyari kung hahayaang makapasok na ang militar sa mga paaralan.

Babala ng kongresista, posibleng lumaganap ang pangha-harass sa mga guro, estudyante at mga kawani ng mga paaralan, at hindi malayong mauwi sa paglabag sa karapatang-pantao gaya ng nangyari noong panahon ng Martial Law.

Pahayag ito ni Zarate, kasunod ng paglalabas ng AFP na maling listahan ng mga umano’y napatay na alumni ng University of the Philippines o UP dahil sa pagsapi sa New People’s Army o NPA.

TAGS: 18th congress, AFP, Inquirer News, Radyo Inquirer news, red-tagging, Rep Carlos Zarate, 18th congress, AFP, Inquirer News, Radyo Inquirer news, red-tagging, Rep Carlos Zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.