Malacañang, paparusahan ang may pananagutan sa madugong dispersal ng mga nagkilos protestang magsasaka sa Kidapawan City
Nanindigan ang Malacañang na paparusahan ang sino man na mapapatunayang may pananagutan sa naging marahas na pagpapatupad ng dispersal sa mga magsasaka na nagkilos protesta sa Kidapawan national highway.
Dalawang magsasaka ang nasawi habang aabot sa tatlumpu ang sugatan na karamihan ay mga pulis nang nauwi sa madugo ang dispersal na ipinatupad ng pulisya.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma Jr, kung sino man ang lalabas sa imbestigasyon na may pananagutan sa insidente ay mapaparusahan.
Sinabi rin ni Coloma na nagsasagawa na ang Philippine National Police (PNP) ng masusing imbestigasyon sa insidente.
Aabot sa anim na libong magsasaka ang nagbarikada sa Davao-Cotabato national highway habang humihingi ng pagkain at ayuda sa gobyerno matapos mapinsala ang kanilang mga pananim ng El Niño phenomenon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.