Paggastos sa P4.5T 2021 national budget masusing babantayan ng Kamara

By Erwin Aguilon January 24, 2021 - 08:39 AM

Siniguro  ni House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap na babantayang mabuti ng kanyang komite ang gagawing paggasta ng pamahalan sa P4.5T national budget ngayong taon.

Ayon kay Yap, hindi  natatapos ang trabaho ng Appropriations Committee sa pag-apruba at pagsasabatas ng budget.

Sinabi ng kongresista na gagamitin ng komite ang kanilang oversight function upang masilip kung saan gugugulin ang 2021 national budget.

Sisiguruhin din anya ng kanyang komite na bawat piso na galing sa buwis ng taumbayan ay direktang mapapakinabangan ng mga Pilipino.

Dagdag pa sa sisilipin ng komite ang paraan ng paggastos sa Bayanihan 1 at 2 partikular na sa mga ahensyang may natanggap na report ng iregularidad.

Irerekomenda ni Yap na sibakin sa pwesto ang sinumang mapapatunayang sangkot sa korapsyon sa paggugol sa pondo.

TAGS: 2021 budget, Congress, Rep. Eric Yap, 2021 budget, Congress, Rep. Eric Yap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.