Simbahang Katolika naalarma na rin sa pagkasunog ng Mt. Apo

By Erwin Aguilon April 01, 2016 - 04:55 PM

Contributed Photo/Ryan Mark Asturias
Contributed Photo/Ryan Mark Asturias

Nagpahayag na rin ng pagkabahala ang Simbahang Katolika kasunod ng patuloy na pagliliyab ng bundok Apo.

Ikinalungkot ni Davao Archbishop Romulo Valles, ang nangyaring pagkasunog sa bundok Apo at aniya, ito raw ay isang senyales na kailangang higpitan pa ang mga alituntunin at pagbabantay sa mga bulubundukin sa bansa upang maiwasan na ang mga ganitong pangyayaring sumisira sa ating kalikasan.

Aniya magsilbi sana itong aral na kailangan nating magtulungan sa pagpapanatili at pangangalaga ng ating mga kalikasan.

Nananawagan din ang Arsobispo sa pagkakaisa ng lahat upang mapangalagaan ang lahat ng kabundukan sa bansa nang hindi na maulit pa ang ganitong mga pangayayari.

Simula pa noong Sabado, hanggang sa mga oras na ito, hirap pa rin na maapula ang apoy sa bundok Apo dahil sa kapal ng hamog sa kabundukan, at tinatayang daan-daan hektarya na ng lupain ang napinsala.

TAGS: Mt. Apo, Mt. Apo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.