Pagtalakay para bigyan ng special powers ang pangulo na suspindehin ang premium hike ng PhilHealth, tinalakay na sa Kamara

By Erwin Aguilon January 22, 2021 - 02:48 AM

Umarangkada na ang pagtalakay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso upang mabigyan ng special powers si Pangulong Rodrigo Duterte na suspindihin ang nakatakdang pagtataas ng premium rate contribution ng PhilHealth.

Sa ilalim ng proposal ni House Speaker Lord Allan Velasco, nais nito na amyendahan ang Section 10 ng Universal Health Care Act kung saan nakatakdang tumaas ngayong 2021 sa 3.5 porsyento mula sa kasalukuyang tatlong porsyento ang premium rate contribution sa PhilHealth members.

Nakasaad sa panukala na bibigyang kapangyarihan ang Pangulo na i-defer o suspendihin ang scheduled PhilHealth premium rate contribution matapos ang konsultasyon sa mga kalihim ng Department of Finance (DOF) at sa Department of Health (DOH).

Ikinukunsidera sa pagpapatupad ng suspensyon kapag may national health emergency lalo na kung nakasalalay dito ang kapakanan ng publiko.

Iminungkahi naman ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na bigyan ng kapangyarihan ang Kongreso na i-defer ang annual incremental sa premium rate ng PhilHealth tuwing may national health emergency habang ang presidente naman ang mga poder para ibalik ang dagdag na kontribusyon.

TAGS: 18th congress, Inquirer News, philhealth, PhilHealth premium rate contribution, Radyo Inquirer news, 18th congress, Inquirer News, philhealth, PhilHealth premium rate contribution, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.