Sen. Win Gatchalian sa Meralco: Wala muna sanang putol-kuryente sa masa
Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa Energy Regulatory Commission at power distributors, partikular na ang Meralco, na palawigin pa ang ‘no disconnection policy’ sa mga low-income consumers.
Aniya ang hindi pagpuputol sa kuryente ay dapat maipagpatuloy kahit hanggang sa pagtatapos lang ng general community quarantine.
Ang naturang polisiya ay dapat nagtapos noong nakaraang December 31, ngunit ipinagpaliban ito hanggang sa Enero 31.
Tinataya na higit sa tatlong milyon konsyumer, na nakakakonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan, ang nakikinabang.
“Except for a few, who are offering essential goods and services, the majority of businesses are not operating in their full capacity and unemployment remains to be a problem. Everyone is still struggling financially,” sabi ni Gatchalian.
Pagdidiin niya marami pa rin ang hindi nakakapag-trabaho at walang kabuhayan.
“Habang hindi pa humuhupa ang pandemya, patuloy pa rin sana ang pagiging maluwag ng distribution utilities (DUs) tulad ng Meralco pagdating sa pagbabayad ng kuryente. Humanitarian consideration sana ang pinaiiral upang mas matugunan ang pangangailangan ng marami,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.