Panukala upang mabigyan ng tax discounts ang medical frontliners, pinamamadali ni Rep. Salceda

By Erwin Aguilon January 20, 2021 - 06:05 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Kinalampag ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa mga kapwa kongresista na kaagad aprubahan ang panukalang naglalayong bigyan ng diskuwento sa binabayarang buwis ang medical frontliners.

Sa kaniyang sponsorship sa plenaryo ng Kamara, sinabi ni Salceda ang “special exemption” na ito ay pagkilala na rin sa serbisyo ng medical frontliners lalo na sa panahon ng pandemya.

Hindi aniya sapat ang COVID-19 special risk allowance at perang matatanggap ng mga ito kapag matamaan o mamatay dahil sa sakit sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

Sa ilalim panukala ni Salceda, bibigyan ng 25 porsyentong discount ang buwis na babayaran ng medical frontliners para sa taxable year 2020.

Inaasahang aabot sa P2.3 bilyon ang mawawalang kita ng pamahalaan sa oras na maisabatas na ito.

Gayunman, naniniwala si Salceda na maraming medical professionals ang mahihikayat na maging fronliners, na sakto rin kapag makarating na sa Pilipinas ang mga bakuna kontra COVID-19.

Para matiyak na hindi ito maabuso, sinabi ni Salceda na malinaw sa panukala na tanging ang medical frontliners na nagtatrabaho sa mga ospital, clinics, o medical institutions, na gumagamot sa COVID-19 patients lamang ang makakakuha ng diskuwento sa buwis.

Hindi ito limitado sa mga doktor at nurses, dahil sakop dito ang iba pang medical frontliners gaya ng administrative employees, support personnel at staff ng mga medical institutions, na ayon sa Department of Finance ay aabot ng hanggang 270,619.

TAGS: 18th congress, Inquirer News, medical frontliner benefits, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda, 18th congress, Inquirer News, medical frontliner benefits, Radyo Inquirer news, Rep JOey Salceda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.