Pagboto ng Pinoy seafarers, pinatitiyak ni Sen. Tolentino sa Comelec

By Jan Escosio January 20, 2021 - 04:37 PM

Hinikayat ni Senator Francis Tolentino ang Commission on Elections o Comelec na gumawa ng paraan para matiyak na makakaboto ang lahat ng marinong Filipino.

Binanggit ito ni Tolentino sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms at aniya, kailangan pagmalasakitan ang mga Filipino seafarer dahil hindi nila nagagamit ang kanilang karapatan sa pagboto dahil palagi silang nasa laot.

Paliwanag nito, kadalasan ay ilang buwan silang nasa gitna ng dagat kayat kahit maaari silang bumoto sa mga embahada ng Pilipinas, hindi rin nila ito nagagawa.

Kinilala naman ni Comelec Dir. James Jimenez ang pagmamalasakit ni Tolentino at aniya, may mga paraan na silang pinag-aaralan para makaboto ang Filipino seafarers.

Dagdag suhestiyon naman ng senador, italaga ang mga Filipino captain ng Philippine-flagged vessels para bantayan ang pagboboto ng Filipino seafarers kahit sila ay nasa laot.

TAGS: comelec, Francis Tolentino, Inquirer News, Pinoy seafarers vote, Radyo Inquirer news, comelec, Francis Tolentino, Inquirer News, Pinoy seafarers vote, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.