Global death toll bunsod ng COVID-19, lagpas 2.06 milyon na
Pumalo na sa lagpas dalawang milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,065,794 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 411,520.
Sumunod na rito ang Brazil na may 211,511 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 152,754 naman ang death toll sa India habang 142,832 ang napaulat na nasawi sa Mexico.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 91,470
– Italy – 83,157
– France – 71,342
– Russia – 66,623
– Iran – 56,973
– Spain – 54,173
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 96,633,160 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 69,303,868 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.