Higit 100 pang residente sa Eastern Visayas, tinamaan ng COVID-19
May 108 pang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Miyerkules ng umaga (January 20), umakyat na sa 13,117 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 903 o 6.88 porsyento ang aktibong kaso.
24 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 12,048 o 91.85 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 166 na ang mga residenteng nasawi o 1.27 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.