Speaker Velasco, binatikos ni Rep. Defensor matapos sibakin sa posisyon sa Kamara

By Erwin Aguilon January 19, 2021 - 04:31 PM

Photo credit: House of Representatives of the Philippines/Twitter

Binuweltahan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor si House Speaker Lord Allan Velasco kasunod nang pagkakatanggal sa kanya bilang vice chairman ng ilang komite sa Kamara.

Sa isang statement, sinabi ni Defensor na Speaker nga si Velasco pero kulang naman ito sa kakayahang mamuno sa Mababang Kapulungan.

Maari rin aniyang Lord ang pangalan ni Velasco, pero iginiit ni Defensor na kulang naman ito sa wisdom at good judgment para tukuyin ang wastong daan para sa Kamara.

Sa halip kasi aniyang pinag-iisa ni Veleasco ang mga miyembro ng Kamara ay lalo pa nitong hinahati.

Gayunman, hindi na aniya ito magugulat kung sisibakin na rin siya ni Velasco bilang vice chairman ng Committees on Legislative Franchises at Welfare of Children.

Iginiit naman nito na kahit wala na siyang posisyon sa mga komite ng Kamara ay patuloy pa rin siyang pagtatrabaho sa kabila ng aniya’y “immature” at hindi pinag-isipang mga hakbang ni Velasco.

Dagdag pa ni Defensor, proud siya sa trabahong kanilang napagtagumpayan nang siya ay vice chairman pa ng ommittees on Health, Good Government and Public Accountability, Dangerous Drugs, on Public Information, at Strategic Intelligence.

Bukod kay Defensor, sinibak din, araw ng Lunes (January 18), bilang vice chairman nang ilang komite ng Kamara ang isa pang kilalang kaalyado ni dating Speaker Alan Peter Cayetano na si Rep. LRay Villafuerte.

TAGS: 18th congress, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Mike Defensor, Speaker Lord Allan Velasco, 18th congress, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Mike Defensor, Speaker Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.