Pagsasanay ng Philippine Coast Guard sa iba’t ibang ahensya para sa water search and rescue, nagpapatuloy

By Erwin Aguilon April 01, 2016 - 08:00 AM

Philippine-Coast-Guard-0114Nagpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng Philippine Coast Guard ng mga training sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa water search and rescue o WASAR.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, bukod sa pakikipag-ugnayan sa mga rescue team mula sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Nakapagbigay na rin sila ng pagsasanay sa larangan ng rescue scuba diving sa mga divers ng iba’t ibang local disaster risk reduction management unit ng ibat ibang mga lalawigan upang maihanda ang mga ito na makakatuwang sa mga sitwasyon na kakailanganin ng pagkakataon.

Bukod dito, patuloy na isinusulong ng PCG ang kahalagahan na maisama sa kurikulum ng K-12 program ang pagtuturo at pagsasagawa ng swimming lessons, isa sa mga mahahalagang kaalaman na magagamit sa panahon ng tag-ulan, kung saan nagkakaroon ng mga pagbaha o flash flood.

Kaugnay nito nanawagan din ang coast guard sa mga magulang na samantalahin ang summer vacation upang i-enroll ang kanilang mga anak, sa mga swimming cliniques upang matutong lumangoy.

Bukod pa sa makita ang potensyal ng mga bata na mapaunlad ang kagalingan ng mga ito sa swimming bilang isang atleta.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.