Mga komadrona, pharmacist at iba pang lisensyadong health professionals dapat tumulong sa Covid-19 vaccination program

By Erwin Aguilon January 19, 2021 - 11:22 AM
Hinikayat ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang Professional Regulation Commission at iba’t -ibang samahan ng health professions na makiisa sa Philippine Medical Association at Philippine Nurses Association para sa gagawing COVID-19 vaccination sa buong bansa. Pabor si Herrera sa ideya ng Department of Health na isama ang mga lisensyadong komadrona o midwife at pharmacist sa mga propesyunal na magbibigay ng bakuna sa mga mamamayan. Tinukoy nito na bilang primary health care professionals, kasama ang vaccination sa mga tungkulin ng midwives, pharmacists, at iba pang trained, certified, at lisensyado tulad nila. Sabi ng kongresista, hindi exclusive role at competency na mga doktor at nurse lang ang maaaring gumawa ng pagbabakuna. Sa katunayan, kasama anya ito sa mga  kurikulum na inaprubahan ng CHED at TESDA at standards ng DOH at PRC boards para sa primary health care service professionals. Dahil dito sabi ng lady solon, dapat ngayon pa lamang ay sanayin na ang mga ito na sumuri ng mga pasyente, magturok ng bakuna at magsagawa ng nararapat na protocols sakaling may adverse reactions para mabilis na makamit ng bansa ang herd immunity sa Covid-19.

TAGS: Bernadette Herrera, covid vaccine, komadrona, Bernadette Herrera, covid vaccine, komadrona

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.