Pag-terminate ng DND sa kasunduan sa UP, hindi katanggap-tanggap
By Erwin Aguilon January 19, 2021 - 11:17 AM
Ipinarerekonsidera ni University of the Philippines President Danilo Concepcion kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pasya nito na putulin na ang matagal nang kasunduan na nagbabawal sa presensya ng military at pulis sa mga campus nito. Sa sulat ni Concepcion kay Lorenzana, nagpahayag ito ng “grave concern” sa hakbang ng kalihim kasabay ang pagsasabi na hindi ito nararapat at katanggap-tanggap. Nakasaad sa liham na “[The abrogation] may result in worsening rather than improving relations between our institutions, and detract from our common desire for peace, justice, and freedom in our society.” Magreresulta ayon sa UP ang pasya ni Lorenzana ng kalituhan at pagkawala ng tiwala ng publiko sa pulisya at military. “Instead of instilling confidence in our police and military, your decision can only sow more confusion and mistrust, given that you have not specified what it is that you exactly aim to do or put in place in lieu of the protections and courtesies afforded by the agreement,” sabi ni Concepcion. Nakalulungkot din ayon kay Concepcion na pinutol ng DND ang kasunduan ng sa sarili lamang nitong pagpapasya at walang anumang pakikipag-usap sa mga opisyal ng unibersidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.