LGUs, dapat bigyan ng kapangyarihan upang direktang makipagnegosasyon sa COVIF-19 vaccine manufacturers

By Erwin Aguilon January 18, 2021 - 02:56 PM

Hiniling ni League of Provinces of the Philippines National President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. sa pamahalaan na bigyan ng malinaw na kapangyarihan ang local government units upang direktang makipagnegosasyon sa COVID-19 vaccine manufacturers.

Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Governor Velasco, ama ni House Speaker Lord Allan Velasco, na alam niya na kailangang dumaan ang local governments sa national government bago makakuha ng sariling bakuna.

Gayunman, mayroon naman aniyang nakabinbing resolusyon si Deputy Speaker Rufus Rodriguez na nagbibigay otorisasyon sa LGUs na direktang makipag-ugnayan sa vaccine suppliers para matiyak ang mabilis na pagkuha ng suplay ng bakuna sa constituents.

Ipinunto rin nito na naunang inihayag nila Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na may nakareserbang bakuna para sa 70 porsyento ng populasyon ng bansa.

Ang nais lamang, ayon sa matandang Velasco, makatiyak sila na ang bakunang bibilhin ng LGUs ay mapupunta sa constituents bukod pa ito sa 70 porsyento ng populasyon ng bansa na mababakunahan sa ilalim ng government-procured na COVID-19 vaccines.

TAGS: 18th congress, COVID-19 vaccine in Marinduque, COVID-19 vaccine manufacturers, Gov. Presbitero Velasco Jr., Inquirer News, Radyo Inquirer news, 18th congress, COVID-19 vaccine in Marinduque, COVID-19 vaccine manufacturers, Gov. Presbitero Velasco Jr., Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.