2 lalaki, sugatan matapos banggain ng kotse ang sinasakyang motorsiklo sa Quezon City
Sugatan ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo matapos banggain ng isang kotse sa northbound lane ng EDSA malapit sa National Printing Office sa Quezon City.
Malubha ang lagay ng isa sa dalawang sakay ng motorsiklo na nakilalang si Jabib Bualoy na isang restaurant security guard na naninirahan sa Muñoz sa Quezon City matapos tumamo ng sugat sa kanyang ulo.
Nakilala naman ang isa pang sakay ng motorsiklo na si Axen Peña, factory worker sa Balintawak na tumamo naman ng sugat sa kanyang tuhod.
Kwento ni Peña, nasa gilid lamang sila ng kalsada nang gitgitin sila ng kulay gray na kotse.
Bigo naman na makuha ang plaka ng naturang kotse matapos nitong takbuhan ang dalawang lalaking naaksidente.
Isinugod na sa East Avenue Medical Center si Bualoy dahil sa malubha nitong lagay habang si Peña naman ay nalapatan na ng paunang lunas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.