Mga alagad ng Simbahan inalok ng anti-COVID 19 vaccine

By Jan Escosio January 18, 2021 - 11:09 AM

Sinabi ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na bahala na ang mga pari sa Metro Manila kung tatanggapin o tatanggihan nila ang bakuna laban sa COVID 19.

Ayon kay Bishop Pabillo personal na desisyon na ng mga pari ang magpabakuna.

Paniniwala nito may mga iba na dapat mabigyan prayoridad sa bakuna, sa pagsasabing, “priority should be given to frontliners and the vulnerable, instead of priests.”

Marami na rin mga alagad ng Simbahan ang nagpahayag ng katulad na paniniwala.

Ibinahagi ni Cuvao Bishop Honesto Ongtioco na may nag-alok ng bakuna sa mga obispo at pari sa Metro Manila.

Aniya nagpapasalamat sila sa alok, ngunit mas magiging masaya sila kung ang mga bakuna ay ibibigay sa mga mahihirap dahil wala maibabayad ang mga ito para magkaroon ng proteksyon laban sa COVID 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.