Rep. Pacquiao, kakasuhan sakaling ituloy ang April 9 fight

By Kathleen Betina Aenlle April 01, 2016 - 04:34 AM

 

Mula sa inquirer.net

Nagbanta si dating Akbayan representative Walden Bello na kakasuhan niya si Saranggani Rep. Manny Pacquiao kung hindi pa rin niya iuurong o ipagpapaliban ang kaniyang laban sa April 9 kontra Timothy Bradley Jr.

Ipinahayag ni Bello ang kaniyang hinaing matapos maglabas ng posisyon ang Commission on Elections (COMELEC) en banc na hindi nila pipigilan ang laban ni Pacquiao.

Itinuturo nilang dahilan na wala pa namang pormal na kasong inihahain laban kay Pacquiao, at na wala silang kontrol dito.

Hamon ni Bello kay Pacquiao, sasampahan niya ito ng kasong kriminal sa COMELEC Law Division at iba pang kinauukulang institusyon kapag itinuloy niya pa rin ang pakikipaglaban kay Bradley, isang buwan bago ang halalan sa May 9.

Giit ni Bello, mukhang natakot ang COMELEC na gampanan ang kanilang responsibilidad dahil sa posibleng hindi magandang reaksyon na matanggap nila sakaling ipatigil nila ang laban.

Dahil dito, hindi na siya maghahain ng motion for reconsideration bilang pagkilala sa desisyong inilabas ng COMELEC, ngunit sinabi rin niya na wala na siyang tiwala sa komisyon.

Gumagawa na aniya ng draft ang kaniyang mga abogado ng reklamo, at naka-depende pa sa magiging desisyon ni Pacquiao ang kanilang susunod na hakbang.

Pinaninindigan pa rin ni Bello na isang undue advantage para kay Pacquiao ang media exposure na matatamasa niya sa kaniyang laban, at hindi ito patas sa mga kapwa niya kandidato sa pagka-senador.

Bukod sa kasong kriminal, maghahain rin siya ng disqualification case labang sa Pambansang Kamao kung talagang itutuloy niya pa rin ang laban.

Nanawagan pa si Bello kay Pacquiao na respetuhin ang halalan at huwag samantalahin ang laban para gamiting pampalakas ng kaniyang kampanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.