BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mahigit kalahating milyon na
Pumalo na sa mahigit kalahating milyon ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.
Sa ulat ng Department of Health, kabuuang 500, 577 na ang bilang ng mga nagkasakit.
Ito ay matapos makapagdagdag ng 1,895 na nagpositibo ngayong araw kaya umakyat na sa 24,691 ang aktibong kaso.
Mayroon namang 5,868 ang gumaling kaya umakyat na ito sa 465,991.
11 naman ang nadagdag sa nasawi kaya umabot na ito sa 9,895.
Ang Davao City naman ang may pinakamarating naitalang kaso na umabot sa 107 na sinundan ng Quezon City na 106, ang lalawigan ng Isabela naman ang pumangatlo na mayroong 65 at sinundan ng Pampanga na mayroong 63 at ang lalawigan ng Bulacan naman ay nakapagtala ng 62 kaso.
Sa nasabing bilang 6.6 percent ang asymptomatic, 5.3 percent and kritikal, 3 percent ang nasa severe condition at 0.47 percent and moderate.
Inalis sa listahan ang 9 na kaso na nadoble ang pagkakalagay sa kabuuang datos kung saan lima rito ay nakarecover.
Bukod dito, mayroon ding limang kaso na naiulat na nakarecover subalit matapos ang final validation ay lumabas na nasawi ang mga ito.
Limang laboratoryo naman ayon sa DOH ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.