Exclusion zone sa South China Sea, hindi kikilalanin ng US

By Jay Dones April 01, 2016 - 04:27 AM

 

China-Radar-South-China-SeaHindi kikilalanin ng Estados Unidos sakaling ipatupad ng China ang Air Defense Identification Zone o (ADIZ) sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Ito ang ipinaabot na mensahe ng Amerika sa Beijing China kaugnay pa rin sa patuloy na paggiit ng naturang bansa ng 9-dash line concept nito sa South China Sea.

Una rito, nagpahayag ng pagkabahala ang Amerika sa posibilidad na magdeklarang muli ng exclusion zone ang China sa South China Sea.

Ito’y sakaling ilabas na ng UN Permanent Court of Arbitration ang desisyon sa reklamong inihain ng Pilipinas kaugnay sa pangangamkam ng teritoryo ng China sa naturang rehiyon.

Ayon kay U.S. Deputy Secretary of Defense Robert Work, tulad ng ginawa ng Amerika na hindi pagbibigay-pansin sa idineklarang exclusion zone ng China sa East China Sea, hindi rin nila kikilalanin sakaling ideklara ng China ang isa pang exclusion zone sa South China Sea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.