Speakership, hindi na habol ng bagong buong grupo ni dating Speaker Cayetano
“Sa inyo na ang Speakership, isaksak niyo pa sa baga niyo. Ang issue rito, naghihirap ang mga tao.”
Ito ang pahayag ni Taguig-Pateros Rep at dating speaker Alan Peter Cayetano kasabay ang batikos sa kasalukuyang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa paglulunsad ng “BTS sa Kongreso,” sinabi ni Cayetano na ang dating ‘house of people’ ay naging ‘house of politics’ na ngayon.
Marami aniya ang mga isyu na nakakaapekto sa publiko pero iba ang inuna ng kasalukuyang liderato.
Sabi ni Cayetano, mabagal ang naging aksyon ng Kamara sa isyu ng COVID-19 vaccine dahil sa katunayan, ang Senado ay nagkakaroon na ng pagdinig pero ang Mababang Kapulungan sa Lunes pa lamang magsisimula.
Ang kanilang grupo aniya ay isang panawagan sa Kamara na magtrabaho para sa taumbayan.
Makikita aniya ito sa ginagawa ng Kamara tulad ng pagbuhay sa charter change, death penalty at iba pa.
Sabi naman ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor, ang kanilang grupo ay binubuo ng mga dating mga nagtatrabaho sa Kamara sa ilalim ng liderato ni Cayetano.
Pagmamalaki pa nito, hindi lamang sila na humarap sa media ang bumubuo ng grupong BTS sa Kongreso sapagkat marami pa ang kanilang mga kasamahan na sumusuporta sa kanila.
Kabilang din sa grupo sina dating deputy speakers Dan Fernandez, Fred Castro at Raneo Abu, mga dating Deputy Speaker Lray Villafuerte, House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Jonathan Alvarado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.