Malamig na panahon ilang araw pang tatagal dahil sa amihan – PAGASA
Patuloy na makakaranas ng mababang temperatura ang malaking bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro Manila, sa mga darating pang araw dahil sa amihan o northeast monsoon, ayon sa PAGASA.
Sinabi ni weather specialist Bennison Estareja tatagal ang malamig na panahon hanggang sa susunod na buwan at may posibilidad na umabot pa hanggang sa Marso.
Naitala kanina sa PAGASA automated weather station sa La Trinidad, Benguet ang 13.1 degrees Celsius temperature.
Ngayon taon, ang pinakamalamig na temperatura sa buong bansa ay naitala sa La Trinidad noong Enero 10 sa 9.5 degrees Celsius, samantalang sa Metro Manila naramdaman ang pinakamalamig noong Enero 12 sa 20.6 degrees Celsius.
Kasabay nito, inaasahan din ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas bunga naman ng buntot ng frontal system.
Maaring magdulot ito ng maulap na kalangitan sa Bicol, Mimaropa, Central at Western Visayas Regions, gayundin sa Quezon Province at Eastern Samar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.