Mag-ama patay sa aksidente sa Cebu

By Kathleen Betina Aenlle April 01, 2016 - 04:15 AM

 

santander cebu
Mula sa Google Maps

Nasawi ang mag-ama nang mauwi sa trahedya ang bakasyon ng kanilang pamilya sa Santander, Cebu.

Nabundol ng isang pampasaherong bus ang sinasakyang motoriklo ng mag-amang sina Modesto Juguilon, 52 anyos, at kaniyang 15-anyos na anak na kinilalang si Aldrich.

Naganap ang aksidente umaga ng Huwebes sa highway sa Brgy. Looc sa bayang Santander.

Ayon kay PO3 Noel Estender, dead on the spot ang dalawa dahil sa tindi ng natamong injury sa ulo buhat na rin ng hindi paggamit ng helmet.

Nakakulong na ngayon sa Santander police station ang driver ng bus na si Rogelio Baran habang hinihintay ang kasong reckless imprudence resulting in double homicide na isasampa sa kaniya.

Pawang mga taga-Marikina pala ang pamilya ni Modesto na dinala niya sa kaniyang probinsya makaraang bumaba siya ng barko dahil siya ay isang seaman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.