DOF, tiniyak na may pondo para sa COVID-19 vaccines para sa 50-M Filipino
May nailaan na ang Department of Finance na P75 milyon para sa kinakailangan na P82.5 bilyon para sa pagbabakuna kontra COVID-19 ng 55 porsiyento ng populasyon ng bansa.
Ito ang pagtitiyak ni Finance Sec. Carlos Dominguez III at paliwanag niya, ang P70 bilyon ay uutangin ng gobyerno, samantalang ang P2.5 bilyon ay huhugutin sa 2021 budget ng DOH, samantalang may nailaan na P10 bilyon sa Bayanihan 2.
Ilan lang sa uutangan ang Asian Development Bank (ADB), World Bank (WB) at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Sinabi pa ng kalihim na ang plano ay bakunahan ang 70 milyong Filipino, dahil sa populasyon ngayon sa bansa na 110 milyon, 40 milyon ay mga kabataan at bata na hindi maaring bakunahan.
Tinatayang P1,300 ang gagastusin sa pagpapabakuna ng bawat Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.