Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental
By Angellic Jordan January 12, 2021 - 06:47 PM
Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol sa Davao Occidental, Martes ng gabi.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 163 kilometers Southeast ng Sarangani.
Tumama ang pagyanig dakong 6:11 ng gabi.
May lalim itong isang kilometro at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa Sarangani at mga karatig-bayan.
Ayon pa sa Phivolcs, wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.