Pagtalakay sa amyenda sa 1987 Constitution, limitado sa economic provisions

By Erwin Aguilon January 12, 2021 - 06:38 PM

Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. (Photo from Facebook account of Ako Bicol )

Tiniyak ni House Committee on Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin Jr. na walang political amendment proposal ang tatalakayin sa muling pagbubukas ng pagdinig para sa panukalang amyenda sa 1987 Constitution.

Ayon kay Garbin, lilimitahan lamang ng Kamara sa proposed economic provisions ang pagtalakay na base na rin sa tagubilin ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Malinaw, ayon kay Garbin, na nakasaad sa Resolution of Both Houses No. 2 na inihain ni Speaker Velasco na ang amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas lamang ang tanging agenda sa itinutulak nito.

Nakasaad sa naturang resolusyon na lalagyan lamang ng parirala na “unless otherwise provided by law” ang anila’y “restrictive” na economic provisions ng Konstitusyon.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Garbin na mabibigyan nang kapangyarihan ang Kongreso na baguhin ang sinasabing restrictions na ito para makapaghikayat ng foreign investments sa oras na kailanganin ito ng ekonomiya ng bansa.

Sa araw ng Miyerkules (January 13), ganap na 10:00 ng umaga, isasagawa ng komite ni Garbin ang kanilang talakayan sa proposed amendments, kung saan imbitado sina dating National Economic and Development Authority chiefs, Gerardo Sicat at Ernesto Pernia, Dr. Raul Fabella ng UP School of Economics, Jose Enrique Africa ng Ibon Foundation, at Calixto Chikiamco at Gary Olivar ng Foundation for Economic Reform.

Nauna nang tiniyak ni Velasco sa publiko na ang mga diskusyon sa economic Cha-cha ay magiging transparent at patas.

Layon lamang aniya ng resolusyon niya na luwagan ang restrictive economic provisions sa Saligang Batas na humaharang sa Pilipinas para maging fully competitive sa mga kalapit na bansa sa Asya.

TAGS: 18th congress, charter change, economic Cha-cha, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Alfredo Garbin Jr., Speaker Lord Allan Velasco, 18th congress, charter change, economic Cha-cha, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Alfredo Garbin Jr., Speaker Lord Allan Velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.