Mga pagdinig sa pag-amyenda sa Saligang Batas, dapat subaybayan ng publiko
Pinasusubaybayan ni House Committee on Local Government Vice Chairman at Isabela Rep. Faustino “Inno” Dy sa publiko ang pagdinig sa Charter change.
Ayon kay Dy, maaring panoorin online ng publiko ang mga isasagawang pagdinig.
Makapangyarihan aniya ang paggamit sa online platforms dahil mapapakinggan ng publiko ang buo at unfiltered na debate at mga argumento sa economic Cha-cha.
Bukod dito ay maaari pang mabalikan ng publiko ang video streams sa YouTube at Facebook accounts ng House of Representatives kung hindi nila ito mapapanood sa live streaming.
“The HOR has really made an effort to make its deliberations accessible to the public because the House believes in transparency and in encouraging its constituents to participate and give their input on the measures we tackle,” saad ni Dy.
Paliwanag ni Dy, ito ay para matimbang at ma-assess nang husto ng taumbayan ang “pros and cons” ng pag-rebisa ng tatlong dekada ng Konstitusyon.
Pagpapasyahan aniya sa pamamagitan ng isang plebesito ang amyenda sa 1987 Constitution ng 60 milyong botante sa bansa na target isasabay sa 2022 elections kaya dapat lamang na subaybayan ng mamamayan ang takbo ng pagdinig ng Kamara sa economic Cha-cha.
Bukas ng umaga, January 13, ay sisimulan na ng Committee on Constitutional Amendments na pinamumunuan ni Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin ang pagdinig sa charter change kung saan nauna nang tiniyak ng komite na tanging economic provisions patungkol sa foreign ownership at investment lamang ang gagalawin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.