200,000 target mabakunahan kada araw kontra COVID-19 – Sec. Galvez

By Erwin Aguilon January 12, 2021 - 11:43 AM

Target ng pamahalaan na mabakunahan laban sa COVID-19 ang nasa 200,000 indibidwal bawat araw.

Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., patuloy ang kanilang ginagawang training sa mga vaccinators.

Sa ngayon anya ay mayroon ng 25,000 vaccinators ang sumailalim sa training upang makamit ang kanilang target.

Sabi ni Galvez, inihahanda na ng mga local government units sa Metro Manila ang listahan ng mga indibidwal na mababakunahan.

Nauna rito, sinabi ng opisyal na target ng gobyerno na 60 hanggang 70 porsyento ng mga Filipino ang mabibigyan ng bakuna sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

Nasa 148 milyon naman na doses ng COVID-19 vaccines ang nais bilhin ng pamahalaan ngayong taong 2021.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay lumagda na sa kasunduan para makabili ng bakuna sa Sinovac ng China, Serum Institute ng India at sa British drugmaker na AstraZeneca.

 

 

TAGS: covid 19 vaccine, Metro Manila, Sec. Carlito Galvez, covid 19 vaccine, Metro Manila, Sec. Carlito Galvez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.