Apat pang Filipino abroad, nagpositibo sa COVID-19
May apat na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang January 11, nasa 13,022 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 84 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,626 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Isa naman ang bagong gumaling kung kaya 8,461 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Isa rin ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 935 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,716 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,809 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 787 naman ang kaso sa Americas at 2,710 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.