Pinakamataas na nadagdag na kaso ng covid-19 simula noong Pasko naitala ngayong araw
Muling lumobo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng covid-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, nakapagtala sila ng 1,776 na karagdagang kaso na pinakamataas simula noong araw ng Pasko.
Dahil dito, umakyat na sa 483,852 ang bilang ng mga nagkasakit ng covid-19 sa bansa.
Ang kabuaang active cases ay umabot na sa 25,158 o 5.2% pangkalahatang datos ng DOH sa buong bansa.
Iniulat din ng DOH na 285 ang mga gumaling sa covid-19 ngayong araw dahilan upang pumalo na sa 449,330 ang mga naka-recover.
Walo naman ang panibagong bilang ng namatay kaya umakyat na sa 9,364 ang nasawi sa kabuuan.
Ang lalawigan ng Bulacan ang nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso sa 99, sinundan ng 96 sa Davao City, 83 naman ang bagong kaso sa Quezon City, 80 sa lalawigan ng Rizal at 64 naman sa Laguna.
Ang isa naman na naiulat na gumaling ayon sa DOH ay iniulat ngayon na nasawi pala.
Mayroon namang limang laboratory ang bigong makapagsumite ng kanilang datos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.