Bakuna vs. covid-19 dapat unahin sa halip na cha-cha ayon kay dating Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon January 08, 2021 - 04:30 PM

 

 

Wrong timing ang hakbang na baguhin ang Saligang Batas ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay  Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, kung anumang usapin na hindi makatutulong sa mga tao ay dapat isantabi muna.

Giit nito, mas importante ngayon na unahing makakuha ng bakuna ang Pilipinas.

“So sa akin, ibalik n atin sa pinakaimportante sa ngayon, buhay at kabuhayan and the single biggest factor now is the vaccination,” saad ni Cayetano.

Punto pa ni Cayetano, divisive ang isyu ng Charter change.

Kahit anya sabihing economic provisions lang ang gagalawin sa panukalang amyenda sa Konstitusyon, tiyak na mag-aaway-away pa rin ang mga pulitiko.

Sinabi nito na kapag pumasok na anya ang debate sa term extesion, at iba pang isyu..mas lalong hindi matututukan ang vaccination na siyang pinaka-importante ngayon.

Ipinaalala ng kongresista na nag-umpisa na ang pagbabakuna sa mga karatig-bansa habang parating pa lang ang sa Pilipinas at marami pa ang kailangang pag-usapan.

 

TAGS: Cayetano, Cha-Cha, Congress, COVID-19, vaccine, Cayetano, Cha-Cha, Congress, COVID-19, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.