“All system go” na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa nalalapit na Pista ng Itim na Nazareno sa araw ng Sabado, January 9.
Nagtalaga ang Manila Police District ng 6,000 hanggang 7,000 pulis at dagdag na humigit-kumulang 20,000 pulis mula sa iba’t ibang police districts ng NCRPO.
Ide-deploy din ang Regional Headquarters at Regional Mobile Force Battalion sa mismong araw ng pista.
Inamim ni NCRPO Chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr. na malaking hamon sa kanila ang pagpapatupad ng minimum health standard.
“Unlike before, kahit magdikit-dikit ang mga tao ngayon may problema tayo about sa COVID, lalo na ngayon we have the latest strain of virus which is according to the World Health Organization (WHO) it is stronger than the original one so yun ang dapat nating bantayan,” pahayag nito.
Aniya, mayroong restrictions sa kasagsagan ng Traslacion 2021.
Kabilang dito ang pagbabawal sa mga vendor sa bisinidad ng Quiapo Church, hindi maaaring magdala o gumamit ang mga deboto backpacks at coloured canisters at tanging tansparent plastic bags o transparent water containers lamang ang papayagan.
Layon nitong maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente.
Humiling naman si Danao ng kooperasyon sa mga debotong bibisita sa simbahan.
“Since the health standard protocols have been implemented for almost a year, I solicit the cooperation of the church goers to implement self-imposed discipline like wearing face mask, face shield and observance of social distancing at all times,” ani Danao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.