Estrella-Pantaleon bridge, target matapos sa 2nd quarter ng 2021

By Angellic Jordan January 06, 2021 - 01:48 PM

DPWH photo

Inanunsiyo ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na target matapos ang pinalawak na Estrella-Pantaleon Bridge sa ikalawang quarter ng taong 2021.

Ang naturang tulay ang nagdudugtong sa Estrella Street sa Makati City at Barangka Drive sa Mandaluyong City.

Sa technical inspection nitong araw ng Miyerkules, January 6, sinabi ni Villar na 72 porsyento nang kumpleto ang Estrella Pantaleon Bridge.

Walong porsyento itong mas maaga kumpara sa itinakdang iskedyul.

Kabilang sa mga natapos na ang lahat ng bridge substructure works sa abutments ng magkabilang daan, piers sa Makati approach at main bridge; at maging ang V-shaped piers para sa main bridge.

Nakumpleto na rin ang concrete pouring works sa apat na segment ng prestressed concrete girder sa bahagi ng Mandaluyong at concrete pouring works sa unang lift ng box girder para sa approach bridge sa Makati.

Oras na matapos ang proyekto, magsisilbi na itong alternatibong ruta sa pagdaan sa Pasig River sa pamamagitan ng <span;>two-way four-lane bridge na may kabuuang haba na 506.46 meters.

Makatutulong din ito upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko.

DPWH photo

TAGS: Build Build Build program, DPWH project, Estrella-Pantaleon Bridge, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar, Build Build Build program, DPWH project, Estrella-Pantaleon Bridge, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.