Simbahan sa mga deboto: Huwag nang pumunta ng Quiapo
Nakiusap si Monsignor Hernando Coronel sa mga deboto na huwag nang pumunta sa Quiapo Church sa Sabado, ang Pista ng Itim na Nazareno.
Ayon sa rector ng Quiapo Church, manatili na lang sa kanilang bahay ang mga deboto at magdasal kasama ang kanilang pamilya.
Ito aniya ay para na rin sa kanilang kaligtasan dahil nagpapatuloy ang banta ng COVID-19.
“Ito lang ang pagkakataon na sinabi ng Kura, na huwag kayong pumunta sa piyesta; kung pwede magdasal nalang kayo sa mga bahay ninyo, stay at home, magdasal kasama ang pamilya sapagkat nakukuha naman natin ang grasya,” sabi pa nito.
Pinamunuan ni Coronel ang pagselebra ng Banal na Misa sa Manila City Hall, kung saan dinala ang imahe ng Itim na Nazareno.
At bilin niya sa mga magpupunta sa Simbahan ng Quiapo, “magsuot ng facemask, face shield, magdala ng alcohol at mahalaga ang physical distancing.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.