LOOK: Replica ng Poong Itim na Nazareno, dumating na sa Manila City Hall

By Angellic Jordan January 04, 2021 - 03:33 PM

Photo credit: Mayor Isko Moreno/Facebook

Dumating na ang replica ng Poong Itim na Nazareno sa Bulwagang Katipunan ng Manila City Hall, araw ng Lunes (January 4).

Ibinahagi ni Mayor Isko Moreno ang larawan ng pagdating ng replica ng Poong Itim na Nazareno.

Ayon sa alkalde, parte ito ng pagbisita ng Mahal na Poon sa iba’t ibang lugar habang papalapit ang Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Hindi kasi muna pinayagan ang pagdaraos ng tradisyunal na Traslacion bunsod ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Magkakaroon ng misa sa pagsalubong sa poon dakong 4:00, Lunes ng hapon.

Photo credit: Mayor Isko Moreno/Facebook

TAGS: Feast of the Black Nazarene 2021, Inquirer News, Itim na Nazareno, Mayor Isko Moreno, Pista ng Itim na Nazareno 2021, Radyo Inquirer news, Feast of the Black Nazarene 2021, Inquirer News, Itim na Nazareno, Mayor Isko Moreno, Pista ng Itim na Nazareno 2021, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.