DND bumili ng 2 anti-submarine Helicopters

By Den Macaranas March 30, 2016 - 07:57 PM

agustawestland-aw159-lynx-wildcat
agustawestland website

Inanunsyo ng Department of National Defense ang pagbili ng pamahalaan ng dalawang anti-submarine helicopters na gagamitin sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea.

Ipinaliwanag ni DND Usec. Fernando Manalo na bahagi ang nasabing mga air assets ng modernization plan para sa Armed Force of the Philippines.

Bagama’t tumanggi ang opisyal na sabihin ang halaga ng nasabing mga choppers, sinabi naman ng ilang DND insiders na sa kabuuan ay nagkakahalaga ang dalawang Italian-made AW159 Lynx Wildcat helicopters ng $114 Million.

Bibilhin ang nasabing mga high-tech choppers sa Agusta Westland Company na siya ring supplier ng ilang mga sasakyang panghimpapawid ng Philippine Air Force.

Ang nasabing mga anti-submarine choppers ay ilalagay sa ibabaw ng BRP Gregorio Del Pilar at BRP Ramon Alcaraz na dalawa sa pinaka-bagong mga barko ng Philippine Navy.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino na bahagi rin sa AFP modernization plan ang pagbili ng mga submarines para sa Philippine Navy.

Magugunitang kamakailan ay bumili rin ang pamahalaan ng 12 units ng FA-50 fighter jets kung saan dalawa na ang nai-deliver sa bansa samantalang ang ibang units ay darating sa Pilipinas bago matapos ang 2016.

TAGS: AFP, AW159, DND, Helicopters, PAF, AFP, AW159, DND, Helicopters, PAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.