Pagpapabakuna ng mga tauhan ng PSG walang basbas ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo December 30, 2020 - 11:01 AM

Walang basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapabakuna ng mga tauhan ng Presidential Security Group laban sa COVID-19.

Pahayag ito ni PSG Commander Brig. Gen Jesus Durante III.

Sa panayam sa ANC, sinabi ni Durante na hindi sila humingi ng permiso sa pangulo bago ginawa ang pagpapabakuna.

Nagulat na lamang aniya ang pangulo nang malaman ang nangyari.

Ayon kay Durante, sila-sila lang sa PSG ang nag-administer ng bakuna dahil mayroon naman silang medical team.

Ang mga close-in security ni Pangulong Duterte ay tumanggap na ng dalawang doses ayon pa kay Durante.

Ani Durante, sinimulan nila ang pagbabakuna sa kanilang mga tauhan noong Setyembre.

Pero hindi pa rin nito inilahad kung saan galing ang mga bakuna na kanilang ginamit.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, covid 19 vaccine, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, PSG, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, vaccination, Breaking News in the Philippines, covid 19 vaccine, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, PSG, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, vaccination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.