Henares tinawag na ‘anti-poor’ ni VP Binay dahil sa pagtutol sa panukala niyang tax reform

By Dona Dominguez-Cargullo March 30, 2016 - 01:10 PM

binay henaresMaituturing umanong ‘anti-poor’ si Bureau of Immigration (BIR) Commissioner Kim Henares dahil sa pagtutol nito sa panukalang tax reform ni Vice President Jejomar Binay.

Sinabi ng standard bearer ng United Nationalist Alliance (UNA) ang pagtutol ni Henares sa kaniyang panukalang ibaba ang income tax rates ay pagpapatunay lang na mas gusto ng kasalukuyang administrasyon na parusahan ang mahihirap. “As usual, this administration has once again shown that it prefers to punish the poor rather than uplift their lives. When I am president, there will be a tax cut within my first year in office,” ani Binay.

Nanindigan si Binay na hindi makatarungan na ang buwis na binabayaran ng mahihirap at mayayaman ay pareho lamang.

Una nang ipinangako ni Binay na sa sandaling mahalal siyang pangulo ng bansa ay una niyang aatupagin ang pagbaba sa bayarin sa income tax ng mga manggagawang kumikita lamang ng P30,000 pababa.

Inaasahang makikinabang dito ang nasa anim na milyong manggagawa sa private at public sector. Kasama na ang mga sundalo, pulis, nurse, public school teachers at mga government clerk. “Obligasyon ng pamahalaan na tulungan at bigyang ginhawa ang mamamayan nito, hindi ang parusahan sila,” dagdag pa ni Binay.

Sinabi ni Binay na na tax relief, trabaho at edukasyon ang higit na kailangan ng mga manggagawang pinoy.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.