Outbound passengers sa mga pantalan, halos 11,000 na
Patuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard sa bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2020.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 10,915 na outbound passengers sa mga pantalan habang 9,109 inbound passengers.
Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Martes (December 29).
Nasa 1,433 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.
Base pa sa datos, 277 ang inspected vessels at 255 ang inspected motorbancas.
Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.