Rep. Robes umapela sa IATF, magpatupad na ng travel ban sa mga bansang may bagong variant ng COVID-19
Umapela si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes sa Inter-Agency Task Force on New and Emerging Diseases na irekomenda na ang pagbabawal na maglakbay patungong Pilipinas ang mga magmumula sa mga bansang may bagong variant ng COVID-19
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Robes na hindi na dapat pang hintayin na magkaroon ng lokal na paghahatid ng bagong virus sa mga apektadong bansa bago pa man magtakda ng paghihigpit sa paglalakbay dahil baka hindi na makontrol ang mga magmumula rito na magtungo sa Pilipinas.
“I also appeal to our IATF to recommend travel ban on countries with cases of the new Covid-19 variant which is known to be more contagious. We need to implement all measures to prevent it from coming into our shores because it will definitely be more difficult to control it when it enters our country,” pahayag ni Robes.
Sinabi pa niya na bagama’t makakaapekto talaga sa pagbangon ng ekonomiya ang pagbabawal sa paglalakbay papasok sa bansa, ang kalusugan ng mamamayan ang dapat na maging pangunahing inaalala.
“It is better to err on the side of the caution. Let us ensure that we have implemented all necessary measures to protect the lives of our countrymen,” dagdag pa ni Robes.
Nagpahayag din ng suporta ang mambabatas sa naging kapasyahan ng Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang nauna ng inaprobahang implementasyon ng “face-to-face classes” sa mga lugar na mababa ang panganib sa banta ng nakamamatay na sakit na nakatakda sanang ipatupad sa Enero 2021 kung hindi lamang umusbong ang bagong variant ng Covid.19.
“I fully support President Rodrigo Duterte’s decision to maintain online classes in low risk areas in view of the new strain of Covid-19. While children’s have generally milder cases of Covid-19, the health of our children should be our top priority. We cannot risk their health especially at this time when a new variant of the virus is threatening us,” pahayag pa ni Rep. Robes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.